Forums

Post Reply
Forum Home > General Discussion > UKOL SA MGA CALL CENTERS

greg t. fabros
Site Owner
Posts: 469

UKOL SA MGA CALL CENTERS

 

We make a living by what we get. We make a life by what we give. – Winston Churchill.

Dahil sa walang industrialization dito sa atin ay mga tao na lamang ang ikinakalakal ng gobyerno. Ito ang binansagang BPO o Business Process Outsourcing “industry” o outsourcing ng trabaho sa mga manggagawa sa ibang bansa. Kaugnay sa sistemang ito ay nabangkarote rin ang US dahil pinagawa na lang sa murang lakas paggawa sa labas ng bansa nila ang kanilang mga produkto kaya nawalan ng trabaho ang mga manggagawang Amerikano.

 

Ayon sa Contact Center Association of the Philippines (CCAP) nuong 2013, ang mga call or contact centers ay nagemploy ng 586,000 sa 917,000 total na employed sa industria.

 

Nuong 2013, kumita ito ng $13.3 billion sa exports. Tinatayang aabot sa $15.3 billion ang kikitain nito ngayon. Idagdag natin ang higit sa $18 Billion remittances bawat taon na padala ng 10 million na mga OFWs kaya ang tamad na gobyerno ay umasa na lamang sa labor export at call center labor. Hindi na nag-manufacture at hindi na pinaunlad ang ating lupang sakahan.

 

Ang problema ay habang araw sa US at Europe, ang mga kausap sa ating call centers ay gabi na dito, kaya puyat at walang tulog ang mga manggagawa sa mga voice, chat at back office workers natin. Dahil sa matinding puyat sa trabaho niya sa call center ay nakatulog siya habang minamaneho ang kotse kaya nabangga siya habang sakay niya ang nanay niya. Nabuhay naman sila pero malaking pinsala. Salamat.

 

At walang katiyakan sa trabaho, kahit na malaki ang sweldo. Kaya maraming kaso tayo sa NLRC na illegal dismissal. At walang union. Kaya mayroong inisyatiba ang ilang mga call center workers na magtatag ng malaking samahan ng mga manggagawa. Magandang balita.

 

Ang BPO ay isa sa pagkakakuwartahang ina-alok ng gobyerno sa mga dayong mamumuhunan. Samantalahin daw ang mababang sahod at maluwag na mga patakaran ditto. Nakakatulong din sa lipunan, pero huwag umasa o sumandal dyan lamang tayo.

 

Tulad ng aking kolum, sa halip na nag-iimport ng isang milyong motorsiklo bawat taon ay dito na gawin ang mga ito. Sa halip na ipamigay lamang sa dayo ang ating ginto, tangso at yamang likas sa ating mga bundok ay dito na tunawin at lumikha ng mga produktong gamit natin.

 

Ang lahat ng ito ang magpapatigil na sa pagluluwas ng mga OFWs sa ibang bansa.

At parehas dapat ang hatian sa yamang nilikha nating lahat. Sa ganito natin tinatanaw ang industriya ng call centers. Kuro nyo sa 09228110413 or email sa [email protected] or http://www.gregfabros.webs.com

 

 

 

December 29, 2014 at 5:36 AM Flag Quote & Reply

You must login to post.